headbg headbg headbg
Friday, April 21, 2006
Stereotyped
Nung nakaraang semester, may kaklase ako sa school na alam tungkol sa sexuality ko. Nagtanong sya kung bakit ayoko pa raw lumantad, o maging "out." Sabi ko, marami na ang nakakaalam. Basically, I'm out to most of my friends and close cousins.

Iba pala ang ibig niyang sabihin. Sabi niya bakit hindi ko pa raw ipakita ang tunay kong kilos, porma at ugali. Dapat daw nagmamake-up na ako, magpahaba ng buhok, magdamit babae. Nainis tuloy ako bigla. Sabi ko sa kanya, marami pa siyang dapat malaman, matutunan at maintindihan. Masyadong stereotype ang pananaw nya sa homosexuality and bisexuality. Hindi dahil na ganun ang sexuality ko dapat ganun na kaagad ang kilos at ayos ko.

Natutuwa din naman ako na sa panahon ngayon mas marami ang nagiging open tungkol dito. Maraming mga straight, lalaki man o babae ang mas nakakaintindi at hindi na ginagawang issue ang sexuality ng isang tao.

del.icio.us tags  del.icio.us categories:
,
pare @ 4:30 PM | Permalink | Backlinks | 0Comments
Wednesday, April 19, 2006
Pare!
Welcome mga pare!

Ito ay ang aking personal blog tungkol sa aking mga karanasan, katangahan, kahalayan, katarantaduhan, saloobin, kuro-kuro at opinyon.Karamihan sa mga entries na ilalagay ko dito ay base sa aking mga past and present experiences. Marami pa akong balak idagdag sa sidebar sa mga susunod na araw, medyo kinakapos lang talaga ako ngayon sa panahon dahil enrolment na para sa summer classes ko sa nursing.


del.icio.us tags  del.icio.us categories:
, ,
pare @ 4:03 AM | Permalink | Backlinks | 0Comments

Ang blog ng mga karanasan, katangahan, kahalayan, katarantaduhan, saloobin, kuro-kuro at opinyon ni pare.


ATOM FEED RSS FEED


Previous Post

Stereotyped
Pare!

Archives

Categories

Recent Comments
Links

Guys4Men
Downelink

PinoyTopBlogs.com

Open Minded

BLOGGER

Creative Commons License

footerbg footerbg